Martes, Disyembre 8, 2015

Paborito kung Musika

Ang paborito kong musika ay ang kantang "The World Has Fallen In Love". Bagama't nakasulat ito nang salitang hapones ay isinalin ko ito sa ingles. Sa kantang ito matutunan natin na sa pagmamahal ay dapat araw-araw mo itong pinapahalagahan. Ang pagmamahal ay hindi isang laro na kung ayaw mo na ay iiwanan mo at kung gusto mo ulit ay agad-agad kang babalik. Dapat pinagiisipan mo ito dahil kung sakaling umalis ka ay may masasaktan.  Isa pa kung alam mong mahal mo siya sabihin mo ng maaga dahil baka maunahan ka ng iba . 

Ang Inaabangang Field Trip

Sabado at ang lahat ay namomroblema sa kanilang babaunin para sa kinabukasang field trip. Maging ako rin marahil nakahanda na ang aking mga dadalhin ay bibili pa ako ng mga pagkain lalo na ng gamot na nakakapatangggal ng hilo. Ginawa ko na lahat ng mga takdang aralin para hindi ako magahol sa oras dahil paniguradong kulang na naman sa oras. Pagkatapos ng mga ito ay naglaro muna ako sa aking cellphone dahil maaga pa naman. Maaga akong natulog dahil maaga ang oras bukas kahit alam kong malalate pa rin ako. 

Kinabukasan, maaga akong nagising at ginawa lahat ng dapat gawin. Sabi na at mahuhuli na naman ako. Nasanay na ako dito , kala ko ay huli na pero mga isang oras pa kaming naghintay doon sa paaralan bago pumunta sa mga sasakyang bus. Unang pinuntahan ang Pinaglabanan Shrine. Dito kami ay namasyal at kumuha ng mga litrato bago pumasok sa bahay . Sumunod naman sa Gardenia , dito nakita namin ng aking mga kaklase kung paano ginagawa ang mga tinapay . At ang pinaka huli ang Enchanted Kingdom. Hindi ko pa rin lubos maisip kung paano ko nagawang makasakay ng " Space Shuttle " na iyon .Halos na alog ang utak ko at kinulang ako ng hangin sa katawan. Kung kaya't hindi ako nakasama sa horror house. Naiwan tuloy ako . Bumili na lamang ako ng inumin at bumalik . Sa Bus na kami nagkita-kita at mga bandang 5:00 ay umawi na . Pagdating ko sa bahay ay nakatulog na ako dahil pagod ang aking katawan...