Martes, Disyembre 8, 2015

Paborito kung Musika

Ang paborito kong musika ay ang kantang "The World Has Fallen In Love". Bagama't nakasulat ito nang salitang hapones ay isinalin ko ito sa ingles. Sa kantang ito matutunan natin na sa pagmamahal ay dapat araw-araw mo itong pinapahalagahan. Ang pagmamahal ay hindi isang laro na kung ayaw mo na ay iiwanan mo at kung gusto mo ulit ay agad-agad kang babalik. Dapat pinagiisipan mo ito dahil kung sakaling umalis ka ay may masasaktan.  Isa pa kung alam mong mahal mo siya sabihin mo ng maaga dahil baka maunahan ka ng iba . 

Ang Inaabangang Field Trip

Sabado at ang lahat ay namomroblema sa kanilang babaunin para sa kinabukasang field trip. Maging ako rin marahil nakahanda na ang aking mga dadalhin ay bibili pa ako ng mga pagkain lalo na ng gamot na nakakapatangggal ng hilo. Ginawa ko na lahat ng mga takdang aralin para hindi ako magahol sa oras dahil paniguradong kulang na naman sa oras. Pagkatapos ng mga ito ay naglaro muna ako sa aking cellphone dahil maaga pa naman. Maaga akong natulog dahil maaga ang oras bukas kahit alam kong malalate pa rin ako. 

Kinabukasan, maaga akong nagising at ginawa lahat ng dapat gawin. Sabi na at mahuhuli na naman ako. Nasanay na ako dito , kala ko ay huli na pero mga isang oras pa kaming naghintay doon sa paaralan bago pumunta sa mga sasakyang bus. Unang pinuntahan ang Pinaglabanan Shrine. Dito kami ay namasyal at kumuha ng mga litrato bago pumasok sa bahay . Sumunod naman sa Gardenia , dito nakita namin ng aking mga kaklase kung paano ginagawa ang mga tinapay . At ang pinaka huli ang Enchanted Kingdom. Hindi ko pa rin lubos maisip kung paano ko nagawang makasakay ng " Space Shuttle " na iyon .Halos na alog ang utak ko at kinulang ako ng hangin sa katawan. Kung kaya't hindi ako nakasama sa horror house. Naiwan tuloy ako . Bumili na lamang ako ng inumin at bumalik . Sa Bus na kami nagkita-kita at mga bandang 5:00 ay umawi na . Pagdating ko sa bahay ay nakatulog na ako dahil pagod ang aking katawan... 

Linggo, Nobyembre 22, 2015

Kinakabahan

Sabado ng umaga, hindi ko alam ang gagawin ko sa aking takdang aralin sa A.P . Medyo nahihirapan kasi ako sa mga bagay patungkol dito dahil malayo ang paprintan sa amin. Ginawa ko ng maaga ang takdang aralin ko sa Agham dahil dalawa ito . Iginuhit ko pa ang mga larawan at sinagutan ang mga tanong. Medyo mahirap dahil wala pa akong masyadong alam tungkol doon. Kinahapunan ay nacomputer ako at ginawa takdang aralin sa A.P . Sa kasamaang palad ay hindi ko natapos ang mga ito. Kinagabihan ginawa ko naman ang takdang aralin ko sa T.L.E. Medyo nakakastress din dahil ang hirap magdisenyo ng isang higaan. Isang oras kung ginawa ito bago kumain ng  hapunan.
 Kinabukasan, mabilis akong nag ayos at nagmumog, marami pa akong gagawin. Umagang iyon  ay ginawa ko naman ang takdang aralin sa matematika. Mahirap ito at hindi ako sigurado sa aking mga sagot. Pagtapos ng pananghalian ay tinapos ko naman ang A.P. Buti ay kinahapunan ay tapos na pero wala akong takdang aralin tunkol sa mga papa  na may nagawang maganda sa simbahang katoliko. Ngayong gabing ito, isa nalang ang kailangan kong gawin, ang iupdate ang aking blog. Ngayon oras na ito eksaktong 11:22 ng gabi ay tapos ko na ang aking mga takdang aralin. Nasubok ang utak ko sa linggong ito. 

Ang Aking mga Magulang

Mula sa aking paglaki, ako ay kanilang inalagaan. Sa tuwing ako'y may lihim na galit lagi  kong naiisip na magpakacold. Pero lahat ng ito ay nawawala kung ako'y nalibang kahit saglot lamang. Hindi ko alam kung paano nangyayari iyon. Siguro iniisip ko rin ang mga bagay  kung kailan kinakailangan ko sila. Aaminin ko may lihim akong galit sa kanila araw-araw, hindi nawawala ang ma yon. Pero hindi ko rin mapagkakaila na mahal na mahal ko sila. Sila ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Nalulungkot ako sa mga bata na walang mga magulang dahil hindi nila nararamdaman kung paano magmahal ang mga tunay na magulang.

Lunes, Nobyembre 16, 2015

Ang Aking Tatahakin

Sa buhay ng tao, marami tayong mga pangarap na gusto natin tahakin. Magkakaiba at minsan ay nagkakatulad. Hindi lahat ng ito'y nakakamit dahil na rin sa mga masamang impluwensiya mula sa iba. 
 Para sa akin, gusto kong tahakin ang daan tungo sa kagustuhan ng ating panginoon. Sa tingin ko, ikabubuti ko na maging isang taong marunong humingi ng tawad at manghingi ng tawad sa mga taong gumawa ng kasalanan. Sana maisip na, mas mahalaga na sundin natin ang ikabubuti natin kaysa gumawa ng mga bagay na masama sa kalagayan natin.

Sabado, Oktubre 31, 2015

Mga Bagay na Maaaring Gawin sa Bakasyon


Marami akong gustong gawin sa aking bakasyon. Kahit isang linggo lamang ito, isa na rin itong pahinga para sa utak kung tunaw na dali sa mga aralin na itinuturo ng aking mga guro.Ito ang mga gusto kong gawin sa sembreak.

1. Gusto kong matulog ng matulog, nais kong bawiin nag mga araw kung saan puyat  ako.
2.Gusto kong gumala sa mga lugar na makakaalis sa stress na aking nadarama sa mga oras na  ito.
3.Kumain ng marami, nakakalimutan ko ng kumain dahil sa mga takdang aralin ko.
4. Gusto kong manood ng mga  pelikula na punong-puno ng mga kaalaman tungkol sa kasaysayan.
5.Ang maglaro ng COC dahil itinigil ko ang paglalaro nito dahil sa kabusyhan.
6.Ang makapunta sa mga lugar na hindi pa napupuntahan .
7.Ang gumawa ng mga makubuluhang bagay katulad ng paggawa ng mga takdang aralin at pagbabasa ng mga akda sa mga libro .
8.Ang manood ng telebisyon ng matagal na oras, hindi yung gabi kasi baka mapuyat na naman ako.

9.Ang magbasa ng mga wattpad na storya na tiyak na magpapasaya ng araw ko.
10. Ang pagaayos ko sa mga gamit ko na nasira dahil sa mga nakaraaang markahan.

Lunes, Oktubre 19, 2015

Ang Tsina

Ang mga lugar ng mga Intsik ay isang magandang lugar na pwedeng pagpasyalan. Ang bansang Tsina.Ito lamang ang bansang napanatili ang kanilang paniniwala at tradisyon. Marami rin na magagandang lugar sa tsina.
Una, gusto kong maglakad-lakad sa Great Wall of China. Ito ang pinakamahabang tulay na tao lamang ang gumawa. Kaysarap na maglakad dito kasama ng malamig na simoy na hangin. 
Pangalawa, ang Forbidden City . Ang lugar na ito ang magpapakita sayo ng sinaunang tsina. Makikita mo dito na ang mga uri ng bahay dito noong sinaunang  pamumuhay sa tsina.
At panghuli, ang Guangxi Rice Terraces, bagama't meron rin tayong hagdan hagdang palayan sa pilipinas.Iba pa rin kung makikita natin ito sa bansang tsina.
Marami pa tayong makikitang magagandang lugar sa Tsina, ang iba ay meron rin sa Pilipinas. Pero kung makakapunta tayo dito ay isa na rin magandang karanasan sa atin.

Linggo, Oktubre 4, 2015

Masaya pero Malungkot

Nagising ako ng maaga noong araw ng sabado. Nag-almusal at tumutok sa telebisyon para manood ng kung ano-ano. Nang wala akong makitang magandang palabas ay humiga na lamang ako sa kama at gumamit na lamang ng aking telepono. Kumatok si mama mag aalasdose na. Ako'y pumunta ng kusina at nananghalian.Pagkatapos kung kumain ay bumalik  na ulit ako sa aking higaan.Sa tingin ko, parang ang tamlay ko naman. Muntik ko nang makalimutan na pupunta pala kami ,kasama ang aking ibang kaklase,sa SM MARIKINA . Kami ay bibili ng mga gamit sa T.L.E. Pumunta ako ng SM mga bandang alastres imedya. Ang kitaan namin ay sa tapat ng National Bookstore (NBS). Nang nakumpleto na kami ay agad kaming pumasok at bumili.Wala kaming nabili na pinturang itim kaya pumunta kami ng Robinson. Medyo tumagal papunta doon dahil medyo masikip ang daan. Agad kaming bumaba ng pampasaherong dyip at pumunta sa NBS Robinson . Wala rin kaming nahanap at dumiretso ng nang Sta.Lucia pero wala pa rin. Sabi ng aking kaklase na sa Tropical nalang daw dahil may NBS din daw doon. Nang kami ay makapunta doon ay wala pa rin kaya napagpasyahan namin na bumili na lamang ng Rubberize na pintura. Naghati ang aking dalawang kaklase dahil malaki iyon. Tinanong ko kung paano nila hahatiin iyon. Nang kami'y makalabas ay humanap sila ng bote at doon hinati . Tuwang tuwa ako habang pinapanood silang dalawa na nagsasalin ng pintura dahil maliit lamang ang bote. Sabi ko sa kanila na " Ginusto niyo yan eh ". Agad kaming  sumakay ng dyip at umuwi na. Umidlip ng saglit pero nauwi sa mahimbing na pagtulog. 

Linggo ng umaga at hinanda ko na ang mga gagamitin para magimprenta sa aking damit dahil ito ang aming proyekto sa T.L.E. Pagkatapos ay nanood na lamang ako sa telebisyon pero sadyang ako;y naiinip lamang ng magisa. Sinubukan kong libangin ang aking sarili ngunit ayaw.  Ang araw ko na iyon ay sadyang malungkot dahil na rin sa walang kasama sa aking kwarto. Wala rin naman ang aking mga pinsan, mga walang hiyang iyon hindi man lang ako sinama papuntang Mandaluyong, loner tuloy ang drama ko ngayon. Mga bandang maggagabi na ay dumatin na sila at lima silang pinagbabatukan na siya naman kinaaray nila.Hindi kasi nangsasama, mga selfish,sabi ko sa kanila. "Hindi ka naman nagtanong eh"aniya ng isa kong pinsan. Isa pang batok. Sasagot ka pa eh,sabi ko naman sa kanya.  

Ang Istriktong kong Guro

Hindi maaalis sa aking isipan ang aking mga pinagdaanan noong ako'y nasa ikawalong pangkat pa lamang. Ang aming guro noon ay si Ginoong Timbal. Bawat umaga ako'y naghihintay ng sigaw na galing sa sermon ng aming guro . Bawat pagkakamali namin, ng aking mga kaklase, ay kanyang itinatama. Tinuturuan niya kami kung paano maging tunay na estudyante. 

Noong unang araw namin sa aming guro ay natatakot pa kami . Hindi kami sanay na laging napupuna. Ang dating seksyon na tahimik at walang pake sa mga kaganapan sa paaralan ay napaka-aktibo na at halos lahat ay sinasalihan.Ito ay lahat galing sa kanya, sa aming guro na hinding hindi namin makakalimutan kailanman.

 Ang gurong nagturo sa amin na ang buhay ay hindi pwedeng nakatunganga lamang, dapat ay pinaghihirapan ara matamo ang iyong ninanais.Maging ngayon nasa ikasiyam na pangkat na kami ay lagi namin siyang sinosorpresa katulad noong kanyang kaarawan. Hinding hindi mapagkakaila na ang aming guro ay magaling, matalino at higit sa lahat magaling rumespeto.

Ang Galing ng mga Kababaihan

Maraming mga palabas na itinatampok ang kagalingan ng mga babae, isa na dito ang Hunger Games. Ang palabas na ito ay pinagbibidahan ni Jennifer Lawrence na gumanap bilang si Katniss Everdeen . Noong nanalo siya ng kauna-unahan niyang tagumapay ay ayaw na niyang tumaggap ng iba pang laro ngunit sa noong sumunod na palaro ay napili ulit siya kasama ang kanyang kasintahan na si Peeta Melmark. Kasama niya rin si Finnick na nagmula sa ikapitong distrito. Kahit gaano man kahirap ng pagsubok ay kanilang nalagpasan . Ito ay nagpapatunay na ang mga kababaihan ay malakas at hindi dapat minamaliit.

Miyerkules, Setyembre 30, 2015

Kailangan nating matutunan

Ang pagsulat ng sanaysay ay isang libangan para sa atin. Maraming mga estudyante,guro atbp. ang sumusulat nito. Pero, bakit ba natin kailangan matuto na magsulat ng sanaysay? Saan kaya natin magagamit ang mga ito?

Ang pagsulat ng sanaysay ay hindi lamang sa mga hawak mong impormasyon binabatay kailangan mo rin na makiangkop doon sa iyong pamagat. Kailangan natin matuto magsulat ng sanaysay dahil para matutunan natin na bumuo ng mga kaganapan sa ating sariling imahinasyon. Sabihin man natin na hindi tayo marunong na magsulat nito ay nasa tao naman kung malawak ang pagunawa mo sa paksang iyong isinusulat. Magagamit natin ito kung papagawain tayo ng mga ulat, sa mga pagsusulit at marami pang iba. Maaari rin natin itong magamit kung tayo ay magpapaliwanag ng kung ano-anong mgabagay, nakakatulong ito upang mas lalong maunawaan ng nakikinig o ng mambabasa ang nais mong iparating.

Lunes, Setyembre 28, 2015

Tanggap ba ang mga karapatan na ibinigay sa mga babaeng pilipino

Lahat ng tao may karapatan, hindi tayo mabubuhay sa mundong ito nang wala ang mga ito. Sabi nga nila, ang karapatan ang bumubuo sa pagkatao ng isang tao. Ngunit hindi ito natatamo ng mga kababaihan . Kitang kita naman natin ang halaga ng mga babae maging noong unang panahon. Ang iba ay pinapatay ang iba naman ay nagmimistulang paanakan lamang. Sa ngayon, marami pa rin minamalupit na kababaihan sabihin pa natin kahit may batas. Ang iba ay ginagahasa't pinagsasamantalahan , meron rin na ibinibenta sa mga mayayaman. Pero may mga babae rin na nagpatunay na kaya nilang makipag sabayn sa mga lalaki. Para sa akin , hindi pa sapat ang mga karapatan na ibinibigay sa mga kababaihan bagama't sang ayon ako sa mga batas na para sa kababaihan.

Aking Sabado't Linggo

Masaya akong gumising araw nitong nakaraang sabado. Siguro ay sabik lang akong gumawa ng mga takdang aralin. Nag-almusal muna ako at para daw akong baliw sabi ni mama na siya naman pinagtaka ko..Naligo na lamang ako at  nagbihis pagkatapos. Napagpasyahan ko naman na magbasa na lamang para malibang ang aking sarili. Nang hindi na ako natutuwa sa pagbabasa ay nananghalian na lamang ako at aalis ako ng mga alauna ng hapon. Nagmamadali akong pumunta sa aming tagpuan, nangangamba dahil baka ako'y huli na. Ngunit mali ang aking hinala, naghintay na naman ako. Ang tagal kong naghintay mga tatlongpung minuto. Wala eh matagal na sa akin yun eh. Nakita ko naman si Jiev na bumaba mula sa tatlong gulong na sasakyan kasabay naman nito ang pagdating ni Elcca at Angella na pagod na pagod , halatang galing sa lakaran. Pumasok kami sa loob ng school at nagrekord na ng aming pabula. Dumating naman si Kevin dahil ibibigay namin sa kanya lahat ng aming narekord para maiedit. Sabay-sabay kaming umuwi maliban kay Jiev dahil magkaiba ang mga ruta nang aming mga dadaanan. Pagkauwi ko ay nagcellphone muna at noong nakaramdam na ng antok ay natulog na nang hindi naghahapunan.

Kinabukasan, linggo ginawa ko na lahat ng mga takdang aralin dahil baka hindi ko magawa ito. Noong araw na iyon ay aalis kami papuntang Robinsons Antipolo para manuod ng Heneral Luna kasama ang ilang mga kaklase. Habang naghihintay kami ng masasakyan ay may tumigil na FX, sinabi nito na saan daw kami pupunta.Ang sabi naman namin ay sa Robisnon po. Pinasakay niya kami at sinabing sampung piso daw sa isang tao.Nagtatawanan at kumukuha ng litrato ang iba han\bang nasa loob kami ng sasakyan, nakakaOP kaya sa loob ng sasakyan. Masama ba magpoker face. Pagbaba namin  ay agad kaming pumunta sa sinehan sa loob ng Robinsons.Nagbigay na kami ng aming mga bayad at sa kasamaang palad ay ang dalawa naming kaklase ay walang dalang ID na magbibigay ng diskuwento. Pinagambag- ambagan namin at nakapanood naman sila bilang regular na manonood. Kami ay pumunta muna sa supermarket upang bumili ng makakakain sa loob ng sinehan. Pagbalik namin ay pumila na kami at pumasok na sa loob ng sinehan. Pagkatapos namin manood ay umuulan sa labas, karamihan pa naman ay walang dalang payong. Sumakay kami ng jeep at bumaba ang karamihan sa barangay hall. Naglakad nalang kami patungong pagrai dahil na rin walang dumadaan na tricycle. Sumakay ako ng jeep at naglakad papasok sa subdivision. Pagkadating ko ay nagpalit ako ng damit at natulog na .

Huwebes, Setyembre 10, 2015

Sampung bagay na gustong gawin sa Korea

Ang Korea ay isang magandang banasa na may magandang kultura, paniniwala at tradisyon. Kilala ang bansang ito dahil sa mga pagkain nilang napakasarap, mga koreanovelas na talaga namang may patama sa mga manonood at pati na rin ang KPOP. Kung bibigyan man ako ng pagkakataon na makapunta doon ay may sampu akong gustong gawin.

  Una, ang malibot ang kabisera ng bansang ito na SEOUL. Maraming mga tao ang pumupunta dito sapagkat ito nga ang kabisera at marami ka ring mabibili na kung ano-anong bagay.
Pangalaw, ang makapunta sa  Namsan Tower, marami rin mga tao ang pumupunta dito dahil naglalagay sila ng mga kandado na may mga sulat na kalakip at maaaring mailagay sa taas ng Namsan Tower.
Pangatlo, ang makita ang Korea sa gabi , sabi ng mga tao maganda daw pagmasdan amg Korea tuwing gabi lalo na at ika'y nasa taas.
Pangapat, ang malapitan amg Winter Sea, gusto kong tanawin ang mga nagagandahang mga alon nitong dagat na ito.
Panglima, ang makainom ng Soju dahil sulit daw ang pagpunta mo dito kong iinom ka ng itinatampok nilang inumin.
Panganim, ang makahanap ng kaibigan sa bansang ito dahil dati ko pa gustong magkaroon ng iba pang kaibigan na Korean maliban sa aking pinsan na koreano.
Pangpito, ang mag-aral ng Hangul na ang nagtuturo ay mismong gurong korean.
Pangwalo, ang makapunta sa Jeju Island, at amuyin ang sariwang hangin na buhat nito.
Pangsiyam, ang makapanood ng isang live na Mcountdown o di kay ay KCON
At ang huli ay makapaguwi ng isa manlang na litrato kasama ang isang kilalang grupo .

Marahil marami pa akong gustong gawin sa bansang ito ay sulit naman kung magagawa ko itong lahat. Isa itong magandang alaala kung magkatotoo.

Lunes, Agosto 31, 2015

Kailangan Nating Mag-Ingat sa Pagpapahayag ng Damdamin

Bakit kailangan nating mag-ingat sa pagpapahayg ng damdamin? Siguro nagiingat tayo para sa sarili rin natin. Umiiwas tayo sa mga posibleng maidulot ng hindi pag-iingat.

Sa panahon ngayon, mahirap nang magpahayg ng damdamin kaya kailangan naing magingat. Hindi natin alam kung hindi nila tayo tanggapin sa buhay nila. At dun wala tayong magagawa, sabi nga nila :"Mahirap Turuan ang Puso". Meron mga taong nagpapakamatay dahil hindi sila pinayagan na manligaw. At dahil na rin sa kapabayaan natin na imbis sila ang masaktan ay tayo. Kailangan minsan na tanggapin natin n a hindi tayo ang nararapat para sa kanila.

Ang Aking Naramdaman sa Araw ng NCAE

Kagabi pa ako hindi mapalagay sapagkat NCAE kaninang umaga bagama't wala itong grado ay kaba pa rin ang nararamdaman ko. Nawala lang ang aking kaba nang natapos na ito. Tulad ng aking inaasahan ay mahirap at magulo ang pagsusulit na aking kinuha, talagang kailangan ng sariling pagunawa sa bawat tanong. Lunos akong nahirapan sa ABM o Accountancy and Business Management dahil ang hirap ng mga isosolve at tungkol ito sa pagpapatakbo ng negosyo. Madali na lang naman ang sa Technical Vocational pero nakakalito ang mga ito. Meron rin namang mga tanong na para sa gusto mong kurso para sa kolehiyo.

Pero wag muna nating isipin ito mga kapwa ko mag-aaeal ng ikasiyam na baitang, pagkaabalahan muna natin ang pagaaral sapagkat tatlong taon pa. Unting Aral at Pursigi pa. 

Lunes, Agosto 24, 2015

Magpahayag ng Damdamin

Bilang isang magaaral, ay mahirap magpahayag ng damdamin lalo na sa aming mga lalaki. Natatakot kaming masaktan kung hindi kami pinayagan manligaw sa kanila. Nakakababa ng pride diba.. Ang iba naman ay Torpe dahil nahihiyang lumapit sa mga gusto nila. Bagama't magkakaiba tayo ay marami tayong paraan ng pagpapahayag ng ating mga damdamin.

Kaming mga lalaki, minsan nagpapahayag kami ng damdamin batay sa kilos namin. Halimbawa, kung hindi kami namamansin ibig naming sabihin na nagseselos at nagtatampo kami. Pangalawa, sa ekspresyon ng aming mga mukha, kahit makita mo lang ang mukha ay masasabi mo na ang damdamin. Pero meron mga taong kahit nasasaktan na ay pilit paring ngumingiti para lang maipakita na hindi sila nasasaktan. Pangatlo pasalita, ang pagamin mo sa nararamdaman mo ang isang halimbawa nito. Ito yung mga taong handang masaktan kahit bastedin sila ng mga nililigawan nila. Handa silang harapin ito. 

Bagama't marami pang ibang paraan ng pagpapahayag ng damdamin ay wag nating iaalis sa isip natin na kailangang inuuna natin ang pagaaral bago pa man ang pagmamahal sa ibang tao.

Martes, Agosto 18, 2015

Ang Aking Inaasahan sa Ikalawang Markahan



Sa Markahan ito, inaasahan ko na magiging madali para sa akin ang mga aralin lalo na sa mga kwentong aming tatalakayin . Hindi naman sa hindi marunong pero hindo ko minsan naiintindihan ang mga kwento at nauuwi sa pangongopya. Sana'y mapalabas ko ang aking mga kasanayan sa mga paguunawa ng mga kwento at komprehensyon dito. Lalo na't sa markahang ito ay sa silangang asya na at kakaiba ang kanilang kultura't pamumuhay pati na rin ang anyo ng panitikan..

Mga Karanasan sa Unang Markahan

 

Hirap, Stress, at pagod, yan ang aking mga naranasan sa Unang Markahan. Hindi maiiwasan ang paghahabol sa tamang araw ng pasahan. Bagama't mahirap ay kailangan matapos para sa pasadong grade na aking inaasam. Sa Unang Markahan, labis akong nahirapan sa mga pangugnay na gagamition sa mga pangungusap at nadalian naman ako sa mga Konotasyon at Denotasyon. Simula sa araw na iyon ay sinikap ko nang magaral ng mabuti sa asignaturang Filipino..

Sabado't Linggo II




Sabado ng Umaga, Hindi mapaliwanag na tuwa at pagkasabik ang aking naramdaman sapagkat ang araw na iyon ang aming LDP ( Leadership Development Prpgram) na kung saan sasanayin ang aming pagiging lider. Sa school ang aming kitaan sapagkat sasakay kami sa mga dumptrack na magsisilbing sasakyan namin papunta sa Mayamot National High School. Masaya ang aming pakikisama sa aming mga training . Una naming ginawang activity ay ang Bahay,Bata, Bagyo. Sumunod ang Red Cross Youth Gulli, na isang matagal na laro sa Red Cross. Kami'y pinakain ng lunch at para makapagpahinga na rin... 

Kinahapunan ay nagtalakay tungkol sa kasaysayan ng Red cross at kinabukasan ay kami'y kukuha ng pagsusulit. Natapos ang araw ng masaya at pagkasabik para sa Linggong sasapit.
Kinabukasa'y ang unang ginawa ay ang pagsusulit tungkol sa hindi lamang sa kasaysayan ng red cross kundi pati na rin ang sa mga natalakay... Pagkatapos naming kumain ay pinaakyat ulit kami sa mga silid aralan at nagtalakay ulit tungkol sa mga iba pang salita na nakaugnay sa LEADERSHIP.. Kinahapuna'y  kami'y nagactivity at halos tuwang tuwa ako sa mga pinaggagawa namin lalo na sa paggulong sa putik.. Kahit na hindi ang aming grupo ang panalo kami parin ay masaya sa mga nangyari.. Binigay na namin ang aming mga diary at umuwi ng madumi dahil walang tubig doon. Salamat sa mga nagturo na sila Kuya Dan, Ate Mae Anne at pati na rin ang mga guro ng iba't ibang paaralan.

Lunes, Agosto 3, 2015

Sabado't Linggo


Kay Saya Tuwing Linggo

Umaga ng Sabado, Ako'y nilalamig. Bumagon ako at naligo pagkatapos. Kumain ako pumunta sa baba para manood ng TV sa sala. Tinanong ko ang sarili ko ng mga oras na ito, "Ano kayang pwedeng gawin ngayon?, nakakabored naman". Umalis ako at pumunta sa mga Auntie ko sa Mandaluyong, laking gulat nila ng makita nila ako dun. Nagpalipas ako ng gabi doon at masaya dahil marami na akong pwedeng gawin dito. Bukas ko nalang sisimulan.

Linggo ng umaga at naligo na ako, tuwang tuwa ako, gusto ko nang gumala kasama ang mga pinsan ko. Pumunta kami ng megamall at nilibre nila ako. Hahaha, ubos mga pera nila, sila naman kasi nagsabi na ililibre nila ako. Tapos sila magsisi sa huli. Eto na yata ang pinaka magandang sabo't linggo ko.

Ang Paboritong Kanta

Ang Huling Kanta

Ang Huling kanta na aking napakinggan ay " MEMORY OF THE WIND" ni Naul. Labis akong nagandahan sa kantang ito nung narinig ko ito kaya pinapatugtog ko ito lagi. Maganda ang ritmo,liriko at ang tono. Kahit na marami pang kanta ang dumating, tatatak na ito sa puso't isip ko.

Baram bureowa nae mam heundeulmyeon
Jinagan sewore
Du nuneul gamabonda
Nareul seuchineun goyohan tteollim
Geu jageun sorie
Nan gwireul giullyeo bonda
Nae ane sumswineun
Keobeorin sarmui jogakdeuri
Nal budichyeo jinal ttae
Geu goseul baraborira
Uriui mideum uriui sarang
Geu yeongwonhan yaksokdeureul
Na chueokhandamyeon himchage georeurira
Uriui mannam uriui ibyeol
Geu baraejin gieoge
Na saranghaetdamyeon misoreul ttuiurira
Nae ane inneun
Mojaran sarmui gieokdeuri
Nal budichyeo jinal ttae
Geu goseul baraborira
Uriui mideum uriui sarang
Geu yeongwonhan yaksokdeureul
Na chueokhandamyeon himchage georeurira
Uriui mannam uriui ibyeol
Geu baraejin gieoge
Na saranghaetdamyeon misoreul ttuiurira


Ang Aking Totoong Kaibigan

Ang Aking Totoong Kaibigan


Kaibigan? Isang taong mapagkakatiwalan at mapagsasabihan ko ng mga problema na sabay namin sosulusyunan. Hinding hindi ko iiwan at kasama mo kahit saan. Ganyan ang isang tunay na kaibigan. Ang pagkakaroon ng kaibigan ay higit na kailangan ng tao . Ngunit sa lahat ng ito, meron tayong katangian na hinahanap na uri ng kaibigan. Ang gusto kong kaibigan ay simple lamang: Masipag, malinis, responsable sa lahat ng gawain, kayang harapin ang mga problema at higit sa lahat ay kaya akong damayan sa lahat ng problemang meron ako.
Marahil iba-iba tayo ng mga katangian na gusto sa kaibigan ay pare-pareho naman tayong may tapat na kaibigan na nandyan para sa atin.