Sabado, Oktubre 31, 2015

Mga Bagay na Maaaring Gawin sa Bakasyon


Marami akong gustong gawin sa aking bakasyon. Kahit isang linggo lamang ito, isa na rin itong pahinga para sa utak kung tunaw na dali sa mga aralin na itinuturo ng aking mga guro.Ito ang mga gusto kong gawin sa sembreak.

1. Gusto kong matulog ng matulog, nais kong bawiin nag mga araw kung saan puyat  ako.
2.Gusto kong gumala sa mga lugar na makakaalis sa stress na aking nadarama sa mga oras na  ito.
3.Kumain ng marami, nakakalimutan ko ng kumain dahil sa mga takdang aralin ko.
4. Gusto kong manood ng mga  pelikula na punong-puno ng mga kaalaman tungkol sa kasaysayan.
5.Ang maglaro ng COC dahil itinigil ko ang paglalaro nito dahil sa kabusyhan.
6.Ang makapunta sa mga lugar na hindi pa napupuntahan .
7.Ang gumawa ng mga makubuluhang bagay katulad ng paggawa ng mga takdang aralin at pagbabasa ng mga akda sa mga libro .
8.Ang manood ng telebisyon ng matagal na oras, hindi yung gabi kasi baka mapuyat na naman ako.

9.Ang magbasa ng mga wattpad na storya na tiyak na magpapasaya ng araw ko.
10. Ang pagaayos ko sa mga gamit ko na nasira dahil sa mga nakaraaang markahan.

Lunes, Oktubre 19, 2015

Ang Tsina

Ang mga lugar ng mga Intsik ay isang magandang lugar na pwedeng pagpasyalan. Ang bansang Tsina.Ito lamang ang bansang napanatili ang kanilang paniniwala at tradisyon. Marami rin na magagandang lugar sa tsina.
Una, gusto kong maglakad-lakad sa Great Wall of China. Ito ang pinakamahabang tulay na tao lamang ang gumawa. Kaysarap na maglakad dito kasama ng malamig na simoy na hangin. 
Pangalawa, ang Forbidden City . Ang lugar na ito ang magpapakita sayo ng sinaunang tsina. Makikita mo dito na ang mga uri ng bahay dito noong sinaunang  pamumuhay sa tsina.
At panghuli, ang Guangxi Rice Terraces, bagama't meron rin tayong hagdan hagdang palayan sa pilipinas.Iba pa rin kung makikita natin ito sa bansang tsina.
Marami pa tayong makikitang magagandang lugar sa Tsina, ang iba ay meron rin sa Pilipinas. Pero kung makakapunta tayo dito ay isa na rin magandang karanasan sa atin.

Linggo, Oktubre 4, 2015

Masaya pero Malungkot

Nagising ako ng maaga noong araw ng sabado. Nag-almusal at tumutok sa telebisyon para manood ng kung ano-ano. Nang wala akong makitang magandang palabas ay humiga na lamang ako sa kama at gumamit na lamang ng aking telepono. Kumatok si mama mag aalasdose na. Ako'y pumunta ng kusina at nananghalian.Pagkatapos kung kumain ay bumalik  na ulit ako sa aking higaan.Sa tingin ko, parang ang tamlay ko naman. Muntik ko nang makalimutan na pupunta pala kami ,kasama ang aking ibang kaklase,sa SM MARIKINA . Kami ay bibili ng mga gamit sa T.L.E. Pumunta ako ng SM mga bandang alastres imedya. Ang kitaan namin ay sa tapat ng National Bookstore (NBS). Nang nakumpleto na kami ay agad kaming pumasok at bumili.Wala kaming nabili na pinturang itim kaya pumunta kami ng Robinson. Medyo tumagal papunta doon dahil medyo masikip ang daan. Agad kaming bumaba ng pampasaherong dyip at pumunta sa NBS Robinson . Wala rin kaming nahanap at dumiretso ng nang Sta.Lucia pero wala pa rin. Sabi ng aking kaklase na sa Tropical nalang daw dahil may NBS din daw doon. Nang kami ay makapunta doon ay wala pa rin kaya napagpasyahan namin na bumili na lamang ng Rubberize na pintura. Naghati ang aking dalawang kaklase dahil malaki iyon. Tinanong ko kung paano nila hahatiin iyon. Nang kami'y makalabas ay humanap sila ng bote at doon hinati . Tuwang tuwa ako habang pinapanood silang dalawa na nagsasalin ng pintura dahil maliit lamang ang bote. Sabi ko sa kanila na " Ginusto niyo yan eh ". Agad kaming  sumakay ng dyip at umuwi na. Umidlip ng saglit pero nauwi sa mahimbing na pagtulog. 

Linggo ng umaga at hinanda ko na ang mga gagamitin para magimprenta sa aking damit dahil ito ang aming proyekto sa T.L.E. Pagkatapos ay nanood na lamang ako sa telebisyon pero sadyang ako;y naiinip lamang ng magisa. Sinubukan kong libangin ang aking sarili ngunit ayaw.  Ang araw ko na iyon ay sadyang malungkot dahil na rin sa walang kasama sa aking kwarto. Wala rin naman ang aking mga pinsan, mga walang hiyang iyon hindi man lang ako sinama papuntang Mandaluyong, loner tuloy ang drama ko ngayon. Mga bandang maggagabi na ay dumatin na sila at lima silang pinagbabatukan na siya naman kinaaray nila.Hindi kasi nangsasama, mga selfish,sabi ko sa kanila. "Hindi ka naman nagtanong eh"aniya ng isa kong pinsan. Isa pang batok. Sasagot ka pa eh,sabi ko naman sa kanya.  

Ang Istriktong kong Guro

Hindi maaalis sa aking isipan ang aking mga pinagdaanan noong ako'y nasa ikawalong pangkat pa lamang. Ang aming guro noon ay si Ginoong Timbal. Bawat umaga ako'y naghihintay ng sigaw na galing sa sermon ng aming guro . Bawat pagkakamali namin, ng aking mga kaklase, ay kanyang itinatama. Tinuturuan niya kami kung paano maging tunay na estudyante. 

Noong unang araw namin sa aming guro ay natatakot pa kami . Hindi kami sanay na laging napupuna. Ang dating seksyon na tahimik at walang pake sa mga kaganapan sa paaralan ay napaka-aktibo na at halos lahat ay sinasalihan.Ito ay lahat galing sa kanya, sa aming guro na hinding hindi namin makakalimutan kailanman.

 Ang gurong nagturo sa amin na ang buhay ay hindi pwedeng nakatunganga lamang, dapat ay pinaghihirapan ara matamo ang iyong ninanais.Maging ngayon nasa ikasiyam na pangkat na kami ay lagi namin siyang sinosorpresa katulad noong kanyang kaarawan. Hinding hindi mapagkakaila na ang aming guro ay magaling, matalino at higit sa lahat magaling rumespeto.

Ang Galing ng mga Kababaihan

Maraming mga palabas na itinatampok ang kagalingan ng mga babae, isa na dito ang Hunger Games. Ang palabas na ito ay pinagbibidahan ni Jennifer Lawrence na gumanap bilang si Katniss Everdeen . Noong nanalo siya ng kauna-unahan niyang tagumapay ay ayaw na niyang tumaggap ng iba pang laro ngunit sa noong sumunod na palaro ay napili ulit siya kasama ang kanyang kasintahan na si Peeta Melmark. Kasama niya rin si Finnick na nagmula sa ikapitong distrito. Kahit gaano man kahirap ng pagsubok ay kanilang nalagpasan . Ito ay nagpapatunay na ang mga kababaihan ay malakas at hindi dapat minamaliit.