Linggo, Pebrero 21, 2016

Araw ng mga Puso

Pebrero na naman, mararanasan ko na naman ang Araw ng mga Puso ng mag-isa.Kailan kaya dadating ang araw na kung saan may kasama akong magdiriwang ng araw na ito. Hindi na ako umaasa na dadarating ang araw na iyo. Alam ko naman na hanggang sa panaginip na lamang ang mga ito. Sabi nga ng iba, mag-ulam ka ng ampalaya para may karamay ka. Sa bawat nadadaanan ko sa mga pampublikong lugar ay puro mga Couple Shirt  ang aking nakikita . May nakita pa aking magkakandungan sa Quantum, hala ayoko na. Umuwi nalang ako kaysa naman titigan ko ang mga iyon. Sana sa susunod na Araw ng mga Puso ay hindi na ganito ang aking maranasan.