Sabado, Marso 19, 2016

Hala!!!!!

Isang striktong guro, ganyan ko ilalarawan si Gng. Mixto. Kahit 'di ako pala sagot sa klase ay napapansin ko rin naman na masayahin siyang tao. Kinatatakutan ko siya, baitang walo pa lamang ako. Hindi ko inaasahan na mabait rin pala siya. Gsuto ko rin 'yong ginawa niyang pagtama sa pangangampanya ng SSG. Tama naman siya, at doon mas lalo akong humanga sa kanya. Totoo, ayaw ko rin ng Filipino. Sa isang school year, isang beses lang 'ata ako makapasa sas Markahang Pagsusulit. Ewan ko ba, 'di ko rin alam. Pero marami akong natutunan sa Filipino sa taon na ito.

Buhay Artista?

Nakakahiya, nakakahiyang mapanood ka ng iyong mga kaklase na gumanap sa isang palabas lalo na kung ito'y "Noli Me Tangere". Pero natutuwa arin ako dahil nakaya 'kong gumanap kahit isang beses 'man la'ng. Nalaman 'kong mahirap pala ang gawaing ito dahil gagana dito ang iyong emosyon na hindi ko kayang ipahayag. Mahirap pero ok lang dahil nagawa ko naman 'yong bagay na hindi ko inaakalang magagawa 'ko.

Martes, Marso 1, 2016

Culture Shock


Sa totoo lang, wala akong gustong gawin noong bata pa ako. Malungkot dahil hindi ko man lang namulat ang aking sarili sa mga bagay na ito at hanggang tingin na lamang ako sa mga taong naglalaro. Ngunit may isa akong laro na gustong-gusto ko noong bara pa ako. Ang paglalaro ng dart, sinanay ko ang sarili ko na maglaro nito, dahil sabi nila ay magaling daw akong magfocus sa iswang bagay. Sabi nila bakit hindi ko daw subukan                                                        magpana at sanayin at isang itong pangarap para sa akin.

Aasa ka pa ba?

Araw ng Biyernes, Pebrero 26, 2016. Idinaos aang Field Demonstration sa aming paaralan. Puning-puno ng mga kulay rosas ang aming mga buhok. Masaya na ang raming mga taong sumisigaw habang kami'y nagtatanghal ngunit sabi nila "Hataw Props" daw. Masaya ang araw na iyon kahit hindi kami nanalo at tatatak ito sa aking isip. Bagama't noong araw na iton ay maraming taong tumitingin sa aming magkakaibigan dahil talo nga kami ay hindi na lamang namin pinansin dahil wala rin naman kaming magagawa . Natuto akong tanggapin ang mga bagay na sa simula pa lamang ay alam kung wala na.

Araw ng Pag-alala

Ang pag-alala sa araw kung saan ang mga tao ay nagkaisa upang mapatigil ang rehimeng Marcos sa kanyang Batas Militar. Ang aking pananaw mula dito ay dapat ngang ipagdiriwang ang araw na ito sapagkat isa itong makasaysayang pangyayari sa historya ng ating bansa. Bagama't maraming nawalang buhay sa pangyayaring ito ay pag-alala na rin iro sa kanila.