Miyerkules, Setyembre 30, 2015

Kailangan nating matutunan

Ang pagsulat ng sanaysay ay isang libangan para sa atin. Maraming mga estudyante,guro atbp. ang sumusulat nito. Pero, bakit ba natin kailangan matuto na magsulat ng sanaysay? Saan kaya natin magagamit ang mga ito?

Ang pagsulat ng sanaysay ay hindi lamang sa mga hawak mong impormasyon binabatay kailangan mo rin na makiangkop doon sa iyong pamagat. Kailangan natin matuto magsulat ng sanaysay dahil para matutunan natin na bumuo ng mga kaganapan sa ating sariling imahinasyon. Sabihin man natin na hindi tayo marunong na magsulat nito ay nasa tao naman kung malawak ang pagunawa mo sa paksang iyong isinusulat. Magagamit natin ito kung papagawain tayo ng mga ulat, sa mga pagsusulit at marami pang iba. Maaari rin natin itong magamit kung tayo ay magpapaliwanag ng kung ano-anong mgabagay, nakakatulong ito upang mas lalong maunawaan ng nakikinig o ng mambabasa ang nais mong iparating.

Lunes, Setyembre 28, 2015

Tanggap ba ang mga karapatan na ibinigay sa mga babaeng pilipino

Lahat ng tao may karapatan, hindi tayo mabubuhay sa mundong ito nang wala ang mga ito. Sabi nga nila, ang karapatan ang bumubuo sa pagkatao ng isang tao. Ngunit hindi ito natatamo ng mga kababaihan . Kitang kita naman natin ang halaga ng mga babae maging noong unang panahon. Ang iba ay pinapatay ang iba naman ay nagmimistulang paanakan lamang. Sa ngayon, marami pa rin minamalupit na kababaihan sabihin pa natin kahit may batas. Ang iba ay ginagahasa't pinagsasamantalahan , meron rin na ibinibenta sa mga mayayaman. Pero may mga babae rin na nagpatunay na kaya nilang makipag sabayn sa mga lalaki. Para sa akin , hindi pa sapat ang mga karapatan na ibinibigay sa mga kababaihan bagama't sang ayon ako sa mga batas na para sa kababaihan.

Aking Sabado't Linggo

Masaya akong gumising araw nitong nakaraang sabado. Siguro ay sabik lang akong gumawa ng mga takdang aralin. Nag-almusal muna ako at para daw akong baliw sabi ni mama na siya naman pinagtaka ko..Naligo na lamang ako at  nagbihis pagkatapos. Napagpasyahan ko naman na magbasa na lamang para malibang ang aking sarili. Nang hindi na ako natutuwa sa pagbabasa ay nananghalian na lamang ako at aalis ako ng mga alauna ng hapon. Nagmamadali akong pumunta sa aming tagpuan, nangangamba dahil baka ako'y huli na. Ngunit mali ang aking hinala, naghintay na naman ako. Ang tagal kong naghintay mga tatlongpung minuto. Wala eh matagal na sa akin yun eh. Nakita ko naman si Jiev na bumaba mula sa tatlong gulong na sasakyan kasabay naman nito ang pagdating ni Elcca at Angella na pagod na pagod , halatang galing sa lakaran. Pumasok kami sa loob ng school at nagrekord na ng aming pabula. Dumating naman si Kevin dahil ibibigay namin sa kanya lahat ng aming narekord para maiedit. Sabay-sabay kaming umuwi maliban kay Jiev dahil magkaiba ang mga ruta nang aming mga dadaanan. Pagkauwi ko ay nagcellphone muna at noong nakaramdam na ng antok ay natulog na nang hindi naghahapunan.

Kinabukasan, linggo ginawa ko na lahat ng mga takdang aralin dahil baka hindi ko magawa ito. Noong araw na iyon ay aalis kami papuntang Robinsons Antipolo para manuod ng Heneral Luna kasama ang ilang mga kaklase. Habang naghihintay kami ng masasakyan ay may tumigil na FX, sinabi nito na saan daw kami pupunta.Ang sabi naman namin ay sa Robisnon po. Pinasakay niya kami at sinabing sampung piso daw sa isang tao.Nagtatawanan at kumukuha ng litrato ang iba han\bang nasa loob kami ng sasakyan, nakakaOP kaya sa loob ng sasakyan. Masama ba magpoker face. Pagbaba namin  ay agad kaming pumunta sa sinehan sa loob ng Robinsons.Nagbigay na kami ng aming mga bayad at sa kasamaang palad ay ang dalawa naming kaklase ay walang dalang ID na magbibigay ng diskuwento. Pinagambag- ambagan namin at nakapanood naman sila bilang regular na manonood. Kami ay pumunta muna sa supermarket upang bumili ng makakakain sa loob ng sinehan. Pagbalik namin ay pumila na kami at pumasok na sa loob ng sinehan. Pagkatapos namin manood ay umuulan sa labas, karamihan pa naman ay walang dalang payong. Sumakay kami ng jeep at bumaba ang karamihan sa barangay hall. Naglakad nalang kami patungong pagrai dahil na rin walang dumadaan na tricycle. Sumakay ako ng jeep at naglakad papasok sa subdivision. Pagkadating ko ay nagpalit ako ng damit at natulog na .

Huwebes, Setyembre 10, 2015

Sampung bagay na gustong gawin sa Korea

Ang Korea ay isang magandang banasa na may magandang kultura, paniniwala at tradisyon. Kilala ang bansang ito dahil sa mga pagkain nilang napakasarap, mga koreanovelas na talaga namang may patama sa mga manonood at pati na rin ang KPOP. Kung bibigyan man ako ng pagkakataon na makapunta doon ay may sampu akong gustong gawin.

  Una, ang malibot ang kabisera ng bansang ito na SEOUL. Maraming mga tao ang pumupunta dito sapagkat ito nga ang kabisera at marami ka ring mabibili na kung ano-anong bagay.
Pangalaw, ang makapunta sa  Namsan Tower, marami rin mga tao ang pumupunta dito dahil naglalagay sila ng mga kandado na may mga sulat na kalakip at maaaring mailagay sa taas ng Namsan Tower.
Pangatlo, ang makita ang Korea sa gabi , sabi ng mga tao maganda daw pagmasdan amg Korea tuwing gabi lalo na at ika'y nasa taas.
Pangapat, ang malapitan amg Winter Sea, gusto kong tanawin ang mga nagagandahang mga alon nitong dagat na ito.
Panglima, ang makainom ng Soju dahil sulit daw ang pagpunta mo dito kong iinom ka ng itinatampok nilang inumin.
Panganim, ang makahanap ng kaibigan sa bansang ito dahil dati ko pa gustong magkaroon ng iba pang kaibigan na Korean maliban sa aking pinsan na koreano.
Pangpito, ang mag-aral ng Hangul na ang nagtuturo ay mismong gurong korean.
Pangwalo, ang makapunta sa Jeju Island, at amuyin ang sariwang hangin na buhat nito.
Pangsiyam, ang makapanood ng isang live na Mcountdown o di kay ay KCON
At ang huli ay makapaguwi ng isa manlang na litrato kasama ang isang kilalang grupo .

Marahil marami pa akong gustong gawin sa bansang ito ay sulit naman kung magagawa ko itong lahat. Isa itong magandang alaala kung magkatotoo.