Lunes, Enero 18, 2016

Sabado't Linggo (January 16-17)

Ang hirap gumising ng maaga, pero kailangan dahil ako'y kasali sa Tribong Sipnayan (activity sa math). Masaya sumali doon dahil doon ako nakakilala ng mga magagaling sa math at mga kaibigan kahit nasa pangalawang pwesto lamang kami. Sinundan ang aktibidad na yon ng mga contest sa math kung saan panalo ang aking mga kaibigan. Labis labis na ang saya ng aking mga kaklase. Mga kinahapunan ay umuwi na ako at ginawa ang mga dapat gawain bago matulog.Linggo ng umaga, nag-ayos ako ng aking mga gamit at pinalabhan ang aking bag. Nag-ayos ako ng gamit ng ito'y matuyo at naglaro na lamang sa aking telepono. Natulog ako ng maaga para sa klase bukas.

Ang Pagpapahalaga sa mga Nagawa ni Rizal

Bilang isang mag-aaral tulad ko, mapapahalagahan ko ang mga nagawa ng ating bayani sa pagbabasa ng kanyang mga akda o kaya pagsasabuhay dito. Ang pagtangkilik sa kanyang mga gawa ay isang simpleng pagpapahalaga na, at sa tingin ko'y malaki na ang pagpapasalamat niya. Itong mga nobelang kanyang naisulat ang nagmulat sa atin sa mga katiwalian ng mag espanyol sa ating bansa. Sa kasalukuyan, ang pagsunod sa mga aral ni Rizal ay magagamit na natin ang kanyang mga prinsipyo sa pagsulat ng kanyang mga akda.

Ang Ikaapat na Markahan

Ikaapat na markahan na naman. Simula na naman ng mga aralin na tiyak na tiyak na mahirap. Lalo na't Noli Me Tangere ang tatalakayin. Sana ay maging madali para sa akin aralin ang aklat na ito at higit na maintindihan .

Sabado, Enero 9, 2016

The Adventures of Stripe and Yellow

Kamakailan lamang at nanood kami ng isang play sa aming paaralan. Ang pagtatanghal na ito ay tradisyon na sa aming paaralan. Ang pinalabas ay ang "The Adventures of Stripe And Yellow" na nagmula sa libro ni Trina Paulus na "Hope For The Flowers". Si Trina ay may adbokasiyang pagtatanim ng organico. 

Ang kwento nito ay tungkol sa mga taong hindi pa nahahanap ang kanilang sarili. Hindi pa sila bukas sa ibang tao at hindi pa kayang makihalunilo sa ibang tao. Noong umalis si Stripe na isang caterpillar o uod, ay marami siyang tao na nakilala na masasabing nakapagpabago sa kanya.Nakatulong din ito sa pagkilala niya sa kanyang sarili lalong lalo na si "King Leo".

Naging kaibigan niya si "Yellow" na kinalaunan ay naging kaibigan niya. Nakatulong ito sa kanya para matupad niya ang kanyang pangarap na makalipad. 

Linggo, Enero 3, 2016

Ang Aking New Year's Celebration




Ang gabi ng pagpapalit ng taon. Sabay-sabay sinalubong ng lahat ang gabing ito. Andyan ang ingay ng mga torotot at pati na rin ang ilaw at lakas ng mga paputok. At eto si ako nakaheadset, paano ba naman kasi ang ingay sa labas . Sinabayan ko na lamang ang aking mga kaibigan sa facebook sa pakikipagchat sa kanilang mga kaklase. Kahit papaano na naman sumabay ako sa kainan ng gabing iyon. Kaunti lamang ang aking kainin dahil busog ako ng gabing iyon. Paqrang BBQ lamang at salad ang aking kinain. Sana maging maayos ang taon kong ito.

Si Gat. Jose Rizal

Ang araw ng kanyang kamatayan, ang paggunita sa kanyang kabayanihan. Si Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda o mas kilala sa tawag na  Dr. Jose P. Rizal. Ang bayaning nagtanggol sa bayan. Ipinanganak siya noong Hulyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna . Marami siyang mga naisulat na mga akda na tumutuligsa sa mga prayle tulad ng "Noli Me Tangere" at ang "El Pilibusterismo" na hindi niya natapos. Ang araw na ito ay mahalaga sa ating mga Pilipino dahil na rin hindi niya tinalikuran ang ating Inang bayan. 

New Year's Resolution

Bagong taon na naman, andyan na naman ang ingay ng mga torotot at mga paputok. Andyan na rin ang mga pagkain sa mesa upang aming pagsaluhan sa gabing ito. Isa na lamang ang nakalimutan ko, ang aking New Year's Resolution. Ang aking resolution ay mabawasan ang pagkagalit ko sa paligid ko. Malungkot kasi akong tao, m\pero alam kong andyan ang mga kamag-aral ko upang pasayahin ako. Pero sa tingin ko, hindi ko ito magagawa. Parang mas nadagdagan pa ang pagkagalit ko .

Ang Himig ng Kapaskuhan

Tanghali pa lamang makikita na ang mga pamilya na abala na sa paghahanda sa kani-kanilang mga noche buena. Ano nga bang araw ngayon? Ay oo nga pala pasko pala ngayon. Kaya pala pati ang aking pamilya ay bumili na rin ng aming ihahanda. Wala naman akong gagawin kayo natulog na lamang ako. Mga 8:00 ng gabi ay nagsimula na silang magluto ng aming mga kakainin. 12:00 na ng umaga ay nagkukuhaan na ng mga litrato ang aking mga kapamilya. Bakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahan sa gabing iyon. Kumain ang lahat at nagkuwentuhan ng kaunti .Masaya ang pasko na ito, hindi ko ito makakalimutan .

Ang Aking Wishlist

Pasko na naman at andyan na naman ang pagbibigayan ng mga regalo. Syempre lahat tayo ay may mga wishlist o mga gusto natin matanggap na regalo ngayong pasko. Meron naman iba na hindi materyal na bagay ang kanilang hiling, masaya na sila kahit ang pamilya na lamang nila na maging maayos ang kanilang hiling. Meron akong hiling ngayong pasko. Una gusto ko nang cap, yung kpop cap . Masaya na ako kahit ano man na grupo. Matagal ko na kasi hiling magkaroon ng ganoon. Pangalawa, gusto ko rin ng kpop shirt , yung BTS o kaya EXO. Mahilig kasi ako sa itim kaya ayun ang gusto kong shirt. Pangatlo, gusto ko ng maayos na pamilya , yung kahit anong klaseng problema na madaanan ay kayang-kaya tumayo. Marami pa akong hiling ngunit alam ko naman na hindi lahat ng ito ay makukuha ko. Ganyan ang buhay, kailangan mo talagang pumili ng isa, isa lang talaga, kasi baka maging unfair ka sa iba .