Linggo, Nobyembre 22, 2015
Kinakabahan
Sabado ng umaga, hindi ko alam ang gagawin ko sa aking takdang aralin sa A.P . Medyo nahihirapan kasi ako sa mga bagay patungkol dito dahil malayo ang paprintan sa amin. Ginawa ko ng maaga ang takdang aralin ko sa Agham dahil dalawa ito . Iginuhit ko pa ang mga larawan at sinagutan ang mga tanong. Medyo mahirap dahil wala pa akong masyadong alam tungkol doon. Kinahapunan ay nacomputer ako at ginawa takdang aralin sa A.P . Sa kasamaang palad ay hindi ko natapos ang mga ito. Kinagabihan ginawa ko naman ang takdang aralin ko sa T.L.E. Medyo nakakastress din dahil ang hirap magdisenyo ng isang higaan. Isang oras kung ginawa ito bago kumain ng hapunan.
Ang Aking mga Magulang
Mula sa aking paglaki, ako ay kanilang inalagaan. Sa tuwing ako'y may lihim na galit lagi kong naiisip na magpakacold. Pero lahat ng ito ay nawawala kung ako'y nalibang kahit saglot lamang. Hindi ko alam kung paano nangyayari iyon. Siguro iniisip ko rin ang mga bagay kung kailan kinakailangan ko sila. Aaminin ko may lihim akong galit sa kanila araw-araw, hindi nawawala ang ma yon. Pero hindi ko rin mapagkakaila na mahal na mahal ko sila. Sila ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Nalulungkot ako sa mga bata na walang mga magulang dahil hindi nila nararamdaman kung paano magmahal ang mga tunay na magulang.
Lunes, Nobyembre 16, 2015
Ang Aking Tatahakin
Sa buhay ng tao, marami tayong mga pangarap na gusto natin tahakin. Magkakaiba at minsan ay nagkakatulad. Hindi lahat ng ito'y nakakamit dahil na rin sa mga masamang impluwensiya mula sa iba.
Para sa akin, gusto kong tahakin ang daan tungo sa kagustuhan ng ating panginoon. Sa tingin ko, ikabubuti ko na maging isang taong marunong humingi ng tawad at manghingi ng tawad sa mga taong gumawa ng kasalanan. Sana maisip na, mas mahalaga na sundin natin ang ikabubuti natin kaysa gumawa ng mga bagay na masama sa kalagayan natin.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)