Huwebes, Setyembre 10, 2015

Sampung bagay na gustong gawin sa Korea

Ang Korea ay isang magandang banasa na may magandang kultura, paniniwala at tradisyon. Kilala ang bansang ito dahil sa mga pagkain nilang napakasarap, mga koreanovelas na talaga namang may patama sa mga manonood at pati na rin ang KPOP. Kung bibigyan man ako ng pagkakataon na makapunta doon ay may sampu akong gustong gawin.

  Una, ang malibot ang kabisera ng bansang ito na SEOUL. Maraming mga tao ang pumupunta dito sapagkat ito nga ang kabisera at marami ka ring mabibili na kung ano-anong bagay.
Pangalaw, ang makapunta sa  Namsan Tower, marami rin mga tao ang pumupunta dito dahil naglalagay sila ng mga kandado na may mga sulat na kalakip at maaaring mailagay sa taas ng Namsan Tower.
Pangatlo, ang makita ang Korea sa gabi , sabi ng mga tao maganda daw pagmasdan amg Korea tuwing gabi lalo na at ika'y nasa taas.
Pangapat, ang malapitan amg Winter Sea, gusto kong tanawin ang mga nagagandahang mga alon nitong dagat na ito.
Panglima, ang makainom ng Soju dahil sulit daw ang pagpunta mo dito kong iinom ka ng itinatampok nilang inumin.
Panganim, ang makahanap ng kaibigan sa bansang ito dahil dati ko pa gustong magkaroon ng iba pang kaibigan na Korean maliban sa aking pinsan na koreano.
Pangpito, ang mag-aral ng Hangul na ang nagtuturo ay mismong gurong korean.
Pangwalo, ang makapunta sa Jeju Island, at amuyin ang sariwang hangin na buhat nito.
Pangsiyam, ang makapanood ng isang live na Mcountdown o di kay ay KCON
At ang huli ay makapaguwi ng isa manlang na litrato kasama ang isang kilalang grupo .

Marahil marami pa akong gustong gawin sa bansang ito ay sulit naman kung magagawa ko itong lahat. Isa itong magandang alaala kung magkatotoo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento