Masaya akong gumising araw nitong nakaraang sabado. Siguro ay sabik lang akong gumawa ng mga takdang aralin. Nag-almusal muna ako at para daw akong baliw sabi ni mama na siya naman pinagtaka ko..Naligo na lamang ako at nagbihis pagkatapos. Napagpasyahan ko naman na magbasa na lamang para malibang ang aking sarili. Nang hindi na ako natutuwa sa pagbabasa ay nananghalian na lamang ako at aalis ako ng mga alauna ng hapon. Nagmamadali akong pumunta sa aming tagpuan, nangangamba dahil baka ako'y huli na. Ngunit mali ang aking hinala, naghintay na naman ako. Ang tagal kong naghintay mga tatlongpung minuto. Wala eh matagal na sa akin yun eh. Nakita ko naman si Jiev na bumaba mula sa tatlong gulong na sasakyan kasabay naman nito ang pagdating ni Elcca at Angella na pagod na pagod , halatang galing sa lakaran. Pumasok kami sa loob ng school at nagrekord na ng aming pabula. Dumating naman si Kevin dahil ibibigay namin sa kanya lahat ng aming narekord para maiedit. Sabay-sabay kaming umuwi maliban kay Jiev dahil magkaiba ang mga ruta nang aming mga dadaanan. Pagkauwi ko ay nagcellphone muna at noong nakaramdam na ng antok ay natulog na nang hindi naghahapunan.
Kinabukasan, linggo ginawa ko na lahat ng mga takdang aralin dahil baka hindi ko magawa ito. Noong araw na iyon ay aalis kami papuntang Robinsons Antipolo para manuod ng Heneral Luna kasama ang ilang mga kaklase. Habang naghihintay kami ng masasakyan ay may tumigil na FX, sinabi nito na saan daw kami pupunta.Ang sabi naman namin ay sa Robisnon po. Pinasakay niya kami at sinabing sampung piso daw sa isang tao.Nagtatawanan at kumukuha ng litrato ang iba han\bang nasa loob kami ng sasakyan, nakakaOP kaya sa loob ng sasakyan. Masama ba magpoker face. Pagbaba namin ay agad kaming pumunta sa sinehan sa loob ng Robinsons.Nagbigay na kami ng aming mga bayad at sa kasamaang palad ay ang dalawa naming kaklase ay walang dalang ID na magbibigay ng diskuwento. Pinagambag- ambagan namin at nakapanood naman sila bilang regular na manonood. Kami ay pumunta muna sa supermarket upang bumili ng makakakain sa loob ng sinehan. Pagbalik namin ay pumila na kami at pumasok na sa loob ng sinehan. Pagkatapos namin manood ay umuulan sa labas, karamihan pa naman ay walang dalang payong. Sumakay kami ng jeep at bumaba ang karamihan sa barangay hall. Naglakad nalang kami patungong pagrai dahil na rin walang dumadaan na tricycle. Sumakay ako ng jeep at naglakad papasok sa subdivision. Pagkadating ko ay nagpalit ako ng damit at natulog na .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento