Linggo, Nobyembre 22, 2015

Kinakabahan

Sabado ng umaga, hindi ko alam ang gagawin ko sa aking takdang aralin sa A.P . Medyo nahihirapan kasi ako sa mga bagay patungkol dito dahil malayo ang paprintan sa amin. Ginawa ko ng maaga ang takdang aralin ko sa Agham dahil dalawa ito . Iginuhit ko pa ang mga larawan at sinagutan ang mga tanong. Medyo mahirap dahil wala pa akong masyadong alam tungkol doon. Kinahapunan ay nacomputer ako at ginawa takdang aralin sa A.P . Sa kasamaang palad ay hindi ko natapos ang mga ito. Kinagabihan ginawa ko naman ang takdang aralin ko sa T.L.E. Medyo nakakastress din dahil ang hirap magdisenyo ng isang higaan. Isang oras kung ginawa ito bago kumain ng  hapunan.
 Kinabukasan, mabilis akong nag ayos at nagmumog, marami pa akong gagawin. Umagang iyon  ay ginawa ko naman ang takdang aralin sa matematika. Mahirap ito at hindi ako sigurado sa aking mga sagot. Pagtapos ng pananghalian ay tinapos ko naman ang A.P. Buti ay kinahapunan ay tapos na pero wala akong takdang aralin tunkol sa mga papa  na may nagawang maganda sa simbahang katoliko. Ngayong gabing ito, isa nalang ang kailangan kong gawin, ang iupdate ang aking blog. Ngayon oras na ito eksaktong 11:22 ng gabi ay tapos ko na ang aking mga takdang aralin. Nasubok ang utak ko sa linggong ito. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento