Kagabi pa ako hindi mapalagay sapagkat NCAE kaninang umaga bagama't wala itong grado ay kaba pa rin ang nararamdaman ko. Nawala lang ang aking kaba nang natapos na ito. Tulad ng aking inaasahan ay mahirap at magulo ang pagsusulit na aking kinuha, talagang kailangan ng sariling pagunawa sa bawat tanong. Lunos akong nahirapan sa ABM o Accountancy and Business Management dahil ang hirap ng mga isosolve at tungkol ito sa pagpapatakbo ng negosyo. Madali na lang naman ang sa Technical Vocational pero nakakalito ang mga ito. Meron rin namang mga tanong na para sa gusto mong kurso para sa kolehiyo.
Pero wag muna nating isipin ito mga kapwa ko mag-aaeal ng ikasiyam na baitang, pagkaabalahan muna natin ang pagaaral sapagkat tatlong taon pa. Unting Aral at Pursigi pa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento