Lunes, Agosto 24, 2015

Magpahayag ng Damdamin

Bilang isang magaaral, ay mahirap magpahayag ng damdamin lalo na sa aming mga lalaki. Natatakot kaming masaktan kung hindi kami pinayagan manligaw sa kanila. Nakakababa ng pride diba.. Ang iba naman ay Torpe dahil nahihiyang lumapit sa mga gusto nila. Bagama't magkakaiba tayo ay marami tayong paraan ng pagpapahayag ng ating mga damdamin.

Kaming mga lalaki, minsan nagpapahayag kami ng damdamin batay sa kilos namin. Halimbawa, kung hindi kami namamansin ibig naming sabihin na nagseselos at nagtatampo kami. Pangalawa, sa ekspresyon ng aming mga mukha, kahit makita mo lang ang mukha ay masasabi mo na ang damdamin. Pero meron mga taong kahit nasasaktan na ay pilit paring ngumingiti para lang maipakita na hindi sila nasasaktan. Pangatlo pasalita, ang pagamin mo sa nararamdaman mo ang isang halimbawa nito. Ito yung mga taong handang masaktan kahit bastedin sila ng mga nililigawan nila. Handa silang harapin ito. 

Bagama't marami pang ibang paraan ng pagpapahayag ng damdamin ay wag nating iaalis sa isip natin na kailangang inuuna natin ang pagaaral bago pa man ang pagmamahal sa ibang tao.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento