Martes, Agosto 18, 2015

Sabado't Linggo II




Sabado ng Umaga, Hindi mapaliwanag na tuwa at pagkasabik ang aking naramdaman sapagkat ang araw na iyon ang aming LDP ( Leadership Development Prpgram) na kung saan sasanayin ang aming pagiging lider. Sa school ang aming kitaan sapagkat sasakay kami sa mga dumptrack na magsisilbing sasakyan namin papunta sa Mayamot National High School. Masaya ang aming pakikisama sa aming mga training . Una naming ginawang activity ay ang Bahay,Bata, Bagyo. Sumunod ang Red Cross Youth Gulli, na isang matagal na laro sa Red Cross. Kami'y pinakain ng lunch at para makapagpahinga na rin... 

Kinahapunan ay nagtalakay tungkol sa kasaysayan ng Red cross at kinabukasan ay kami'y kukuha ng pagsusulit. Natapos ang araw ng masaya at pagkasabik para sa Linggong sasapit.
Kinabukasa'y ang unang ginawa ay ang pagsusulit tungkol sa hindi lamang sa kasaysayan ng red cross kundi pati na rin ang sa mga natalakay... Pagkatapos naming kumain ay pinaakyat ulit kami sa mga silid aralan at nagtalakay ulit tungkol sa mga iba pang salita na nakaugnay sa LEADERSHIP.. Kinahapuna'y  kami'y nagactivity at halos tuwang tuwa ako sa mga pinaggagawa namin lalo na sa paggulong sa putik.. Kahit na hindi ang aming grupo ang panalo kami parin ay masaya sa mga nangyari.. Binigay na namin ang aming mga diary at umuwi ng madumi dahil walang tubig doon. Salamat sa mga nagturo na sila Kuya Dan, Ate Mae Anne at pati na rin ang mga guro ng iba't ibang paaralan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento