Linggo, Oktubre 4, 2015

Masaya pero Malungkot

Nagising ako ng maaga noong araw ng sabado. Nag-almusal at tumutok sa telebisyon para manood ng kung ano-ano. Nang wala akong makitang magandang palabas ay humiga na lamang ako sa kama at gumamit na lamang ng aking telepono. Kumatok si mama mag aalasdose na. Ako'y pumunta ng kusina at nananghalian.Pagkatapos kung kumain ay bumalik  na ulit ako sa aking higaan.Sa tingin ko, parang ang tamlay ko naman. Muntik ko nang makalimutan na pupunta pala kami ,kasama ang aking ibang kaklase,sa SM MARIKINA . Kami ay bibili ng mga gamit sa T.L.E. Pumunta ako ng SM mga bandang alastres imedya. Ang kitaan namin ay sa tapat ng National Bookstore (NBS). Nang nakumpleto na kami ay agad kaming pumasok at bumili.Wala kaming nabili na pinturang itim kaya pumunta kami ng Robinson. Medyo tumagal papunta doon dahil medyo masikip ang daan. Agad kaming bumaba ng pampasaherong dyip at pumunta sa NBS Robinson . Wala rin kaming nahanap at dumiretso ng nang Sta.Lucia pero wala pa rin. Sabi ng aking kaklase na sa Tropical nalang daw dahil may NBS din daw doon. Nang kami ay makapunta doon ay wala pa rin kaya napagpasyahan namin na bumili na lamang ng Rubberize na pintura. Naghati ang aking dalawang kaklase dahil malaki iyon. Tinanong ko kung paano nila hahatiin iyon. Nang kami'y makalabas ay humanap sila ng bote at doon hinati . Tuwang tuwa ako habang pinapanood silang dalawa na nagsasalin ng pintura dahil maliit lamang ang bote. Sabi ko sa kanila na " Ginusto niyo yan eh ". Agad kaming  sumakay ng dyip at umuwi na. Umidlip ng saglit pero nauwi sa mahimbing na pagtulog. 

Linggo ng umaga at hinanda ko na ang mga gagamitin para magimprenta sa aking damit dahil ito ang aming proyekto sa T.L.E. Pagkatapos ay nanood na lamang ako sa telebisyon pero sadyang ako;y naiinip lamang ng magisa. Sinubukan kong libangin ang aking sarili ngunit ayaw.  Ang araw ko na iyon ay sadyang malungkot dahil na rin sa walang kasama sa aking kwarto. Wala rin naman ang aking mga pinsan, mga walang hiyang iyon hindi man lang ako sinama papuntang Mandaluyong, loner tuloy ang drama ko ngayon. Mga bandang maggagabi na ay dumatin na sila at lima silang pinagbabatukan na siya naman kinaaray nila.Hindi kasi nangsasama, mga selfish,sabi ko sa kanila. "Hindi ka naman nagtanong eh"aniya ng isa kong pinsan. Isa pang batok. Sasagot ka pa eh,sabi ko naman sa kanya.  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento